Skip to main content
Home DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FOREIGN-ASSISTED AND SPECIAL PROJECTS SERVICE eLibrary
  • Home
  • Knowledge Products
    • Photographs
    • Publications
    • Videos
  • FASPs Project Completion Report
  • List of Projects
  • LGIS Database
  • Contact Details
  • Client Feedback

FOREIGN-ASSISTED AND SPECIAL PROJECTS SERVICE
eLibrary

Southern Palawan Ecosystem Accounts

Wealth Accounting and the Valuation of Ecosystem Services (WAVES). (2015). Southern Palawan Ecosystem Accounts.

Ang Pilipinas ay sumasailalim sa pagkukuwenta o pagtutuos ng mga serbisyo at benipisyong naidudulot ng ating likas na yaman sa Katimugan ng Palawan bilang isa sa walong mga kaanib na bansa na nagpapatupad ng World Bank's WAVES (Wealth Accounting and the Valuation of Ecosystem Services).

 

Ang pagbuo at pagpapalaganap ng "ecosystem account" para sa Katimugang Palawan ay isang gawaing binubuo ng iba't ibang ahensya ng gobyerno. Ito ay pinapangunahan ng pambansa at panlalawigang tanggapan ng Kagawarang ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR), kasama ng Palawan Council for

Sustainable Development (PCSD) at pakikipagugnayan sa mga internasyonal at mga lokal na eksperto. Ang pangunahing metodolohiya na ginamit ay tinaguriang "ridge to reef" kung saan masusing sinusuri ang mga kabundukan, kapatagan at babayaying dagat ng Rehiyong kinabibilangan ng Katimugang Palawan, Pulot Watershed at mga baybaying dagat ng Sofronio Española.

 

Ang mga resulta patungkol sa pagkukuwenta o pagtutuos ng mga serbisyong dulot ng ating likas na yaman na tumatalakay sa land-cover, carbon sequestration, crop-production at kalagayan ng mga baybaying dagat mula 2003 hanggang 2010 ay makakatulong sa pagbibigay ng tamang impormasyon upang makapagpatupad ng nararapat na pamamahala ng likas na yaman sa Katimugang Palawan. Ito ay naglalayong maisaayos ang kumpitisyon sa paggamit ng kalikasan bilang minahan, eco-turismo, pangisdaan at sakahan sa paraang maka-ikonomiya, makakalikasan at makatao.

Subject: 
Ecosystem accounting -- Southern Palawan (Tagalog)
File: 
PDF icon Wave Snapshots Southern Palawan TAGALOG 10-2-2015.pdf
Physical Location: 
CD PhilWAVES 2015 kp
Project Title: 
Philippine Wealth Accounting and the Valuation of Ecosystem Services (Phil-WAVES)
Publication Type: 
Project brief